-- Advertisements --
Patungong Phnom Penh, Cambodia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mamayang alas-5:00 ng hapon.
Itoy upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits na kung saan ay inaasahang ilalatag ng Pangulo ang patungkol sa post-pandemic economic recovery at iba pang prayoridad.
Kabilang dito ang food security, energy security, digital transformation, digital economy at Ang may kinalaman sa climate change.
Inaasahang sa related summits na marerepaso ang mga kasalukuyan at bagong areas of cooperation at palitan ng pananaw sa pagitan ng ASEAN at mga dialogue partners nito.
Samantala, bukod sa pagdalo sa summits mula Nobyembre 10 hanggang 13 ay makikipagkita rin si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Cambodia.