-- Advertisements --

Pinulong ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga miyembro ng kaniyang economic team sa Malacanang ngayong araw.

Ito ay upang bumalangkas ng economic policy directions ng administrasyon para sa natitirang mga buwan ng taon hanggang sa unang quarter ng 2023.

Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan, kabilang sa natalakay ang mga usaping nakakaapekto sa bansa kagaya ng inflation, interest rates at foreign exchange.

Sabi ng kalihim na naglatag sila ng short, medium at long term sa pagtugon sa problema ng mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Kasama aniya sa ikinokonsidera ang pagpapatuloy ng mga programa sa pagbibigay ng subsidiya sa mga apektadong sektor.

Bukod kay Balisacan, kasama sa meeting ang iba pang kalihim na nakatalaga sa ilang ahensya ng pamahalaan.