-- Advertisements --

Marcos on UNGA

Handa ang Pilipinas na makipagtulungan para sa pagsasakatuparan ng bagong APT Cooperation Work Plan 2023 – 2027.

Sa ika-25 ASEAN Plus Three Summit ngayong araw, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahandaan ng Pilipinas sa aktibong pakikibahagi sa APT Emergency Rice Reserve.

Iminungkahi rin nito ang pagpapaigting ng nabanggit na rice reserve sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ibang commodities at staple foods.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapatibay ng kooperasyon at pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kasaganahan sa rehiyon.

Ginamit din nito ang pagkakataon na umapela sa ASEAN Plus Three na ipagpatuloy ang pagsusulong ng kapayaan at stability sa rehiyon, kasabay ng pag-address nito sa North Korea dahil sa makailang-ulit na pagsasagawa ng missile testing.

Magugunitang, ang ASEAN Plus Three Summit, kung saan kabalikat ng ASEAN ang Japan, China, at Korea, ay isa sa mayroong pinakakomprehensibong balangkas ng pagtutulungan sa rehiyon, kung saan tinatalakay ang mga usapin sa politika, kalakalan, enerhiya, agrikultura, kalikasan, edukasyon, kalusugan, at iba pa.

Top