Nakatakdang makipagkita ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari dito mismo sa lungsod ng Davao sa darating na Disyembre 13 para pag-usapan ang long and lasting peace sa southern Mindanao.
Ito mismo ay kinumpirma ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go.
Ayon kay Go na gumawa umano ng isang Peace Coordinating Committee para mapag-usapan kung ano ang maitutulong nila Misuari sa pamahalaan pagdating sa kapayapaan sa Mindanao.
Ibinunyag naman ng senador na una nang sumang-ayon ang pamahalaan ng bansa at ang MNLF na gumawa ng isang peace coordinating committe sa pagitan ng dalawang panig.
Sinabi naman ni Go na mananatili aniya si Misuari sa mahigpit na panunumpa nito alang sa pagtulong para ma-promote ang kapayapaan sa Mindanao.
Nababatid na sa loob lamang ng kasalukuyang taon, ito na ang ikatlong pagkakataon na nagtagpo sa Malacañang ang pangulo at si Misuari kung saan ang unang beses na pagtatagpo nangyari noong Pebrero 25.
Tinatanaw aniya ngayon sa administrasyong Duterte ang posibilidad na gumawa ng isang regional government para sa mga lugar na nasa ilalim ng impluwensya ng MNLF.