Umaasa ang main author ng “Bawal Bastos Act” na si Sen. Risa Hontiveros na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtupad ng nakapaloob sa bagong batas, lalo na ang pag-iwas sa “sexist remarks.”
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Hontiveros, hindi exempted sa batas kahit ang matataas na opisyal ng bansa.
Matatandaang naging kontrobersyal ang mga dating biro ni Pangulong Duterte ukol sa isang Australian missionary na biktima ng rape.
“Nagalit ako kasi ni-rape? Oo. Isa rin ‘yun. Pero napakaganda, dapat mayor muna ang nauna. Sayang,” biro ng Pangulo.
Pero giit ng kampo ng chief executive expression lamang ito at hindi dapat na seryosohin.
Ang Republic Act 11313 o “Safe Spaces Act” o “Bawal Bastos Law” ay noon pang Abril 17, 2019 naisabatas ngunit hindi lamang agad naisapubliko.
Kaya naman, hindi raw totoo na automatic enactment ang nangyari rito, kagaya ng mga unang lumabas na impormasyon mula sa panig ng mga nagsulong ng bill.
Sa patakaran kasing umiiral sa Pilipinas, kung ang isang panukala ay maipasa ng Kongreso at hindi na-veto ng presidente, magiging batas pa rin iyon pagkatapos ng palugit na panahon.
Rebublic Act 11313 – Safe Spaces Act Full Text
[embeddoc url=”https://img.bomboradyo.com/newscenter/2019/07/Safe-Spaces-Act-RA-No.11313.pdf” download=”all” viewer=”google”]