-- Advertisements --

Balik na sa kanilang suggested retail prices (SRP) ang mga pangunahing bilihin sa bansa.

Ito ay dahil nagtapos na ang ipinatupad na 60 days na price freeze.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na simula pa noong Mayo 16 na ang mga basic necessities ay hindi na sakop ng price freeze na ipinatupad noong Marso.

Paglilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez, na ang pagtanggal na ng price freeze ay hindi nakakaapekto sa ginagawang prices and supply monitoring ganun din ang enforcement activities na isinasagawa ng DTI, Department of Agriculture, Department of Health at kanilang mga enforcement agencies partners.

Ilan sa mga nasakupan ng price freeze ay mga tinapay, procesed milk, kape, sabong panlaba, asin, detergents, bottled water, kandila at instant noodles.