-- Advertisements --

Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang pangunahing suspect sa naganap na road rage shooting incident sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), ang suspect ay bumaril sa kanyang nakaalitang kapwa motorista noong July 2 na kung saan isa naman ang naitalang sugatan.

Kinilala ng mga otoridad ang suspect na si Edwin de Javing Bautista, 52 anyos at residente ng Navotas City.

Batay sa investigation ng pulisya, nasanggi ng sasakyan ng suspect ang sasakyan minamaneho ng isang motorista.

Sa halip na huminto ito ay kaagad itong tumakas dahilan para habulin ng biktima.

Nagpaputok ng baril ang suspect dahilan para matamaan ang biktima sa kanyang paa.

Natukoy ng pulisya ang lokasyon ng suspect sa pamamagitan ng kanyang sasakyan na nakarehistro sa kanya at drivers license.

May pending na estafa case din ang suspect.

Mahaharap ang suspect sa kasong attempted murder sa Quezon City Prosecutor’s Office.