-- Advertisements --
IMG 20190410 040413

Hindi sumipot sa pagdinig ng Department of Justice (DoJ) ang umano’y drug lord na si Xu Zhi Jian alyas Jackie Co na sangkot sa importasyon ng P1.8 billion na halaga ng shabu dito sa bansa.

Sa isinagawang preliminary investigation sa DoJ tanging ang itinuturong broker na si Jane Castillo ang present sa hearing.

Hindi rin sumipot ang 15 iba pang dawit sa importasyon ng shabu na kinabibilangan nina Dong An Dong, Julie Hao Gamboa, Fe Tamayosa, Alvin Bautista, Carlo Dale T. Zueta, Abraham G. Torrecampo, Arwin P. Caparros, Leonardo S. Sucaldito, and Mark Leo D. Magpayo, Brian Pabilona, Meldy Sayson, Rhea Tolosa, Edgardo Dominado, Jerry Siguenza, at Debbie Joy Aceron.

Humaharap ang mga akusado sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang reklamo ay isinampa noong May 31 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nag-ugat ang kaso sa pagkakadiskubre ng mga kontrabando sa Manila International Container Port – Container Freight Station 3 (MICP-CFS3) noong Marso 2018.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ng mga otoridad ang 276,344.82 grams ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P1,876,800,000.