-- Advertisements --

Asahan umano ng mga motorista ang isa na namang round sa pagtaas ng presyo ng produktong petroltyo sa mga darating na linggo.

Inaasahang ito na ang pang-siyam na sunod-sunod na price hike base sa projections ng Unioil Petroleum Philippines.

Batay sa kanilang fuel price forecast sa darating na Oktubre 26 hanggang Nobyembre 1, sinabi ng Unioil na tataas sa P1.10 hanggang P1.20 ang presyo sa kada litro ng gasolina.

Nasa P0.40 hanggang P0.50 kada litro naman ang itataas sa diesel.

Magugunitang ang mga fuel firms ay kadalasang nag-aanunsiyo ng kanilang price adjustments kada Lunes at ipatupad ito sa susunod na araw ng Martes.