-- Advertisements --

Nasa mahigit 1,000 mga overseas Filipino workers (OFW) mula sa iba’t-ibang bansa ang pinakabagong nag-avail ng repatration program ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, 73 dito ay mula sa Shanghai, China, 109 naman mula sa Algeria, 278 naman mula sa United Arabs Emirates at Spain, 150 mula sa Los Angeles, 500 mulsa Saudi Arabia at 250 mula sa Qatar.

Sa ngayon ay nasa mahigit 178,000 na mga OFW ang napauwi na matapos ang nararanasang krisis dulot ng coronavirus sa buong mundo.

Ang ibang mga flights aniya ng mga ito ay binayaran ng mga local manning agencies habang ang ilan ay binayaran ng gobyerno.

Katuwang ng DFA ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) na siyang tutulong sa mga OFW na napauwi.

Tiniyak din ng DFA na patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa mga bansa para sa pagpapauwi ng mga OFW.