-- Advertisements --

Karagdagang batch ng mga Filipino seafarers ang nakauwi na ng Pilipinas mula sa magulong bansa na Ukraine.

Dumating sa Clark International Airport in Pampanga ang 13 seafarers mula sa MV Ithaca Prospect.

Dahil dito, umakyat na sa 323 Filipino seafarers ang na-repatriate mula sa Ukraine simula ng pananalakay ng Russia.

Noong Huwebes ng gabi, dumating ang walong crew mula sa MV Filia Glory sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakumpleto na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi ng mga marino mula sa nasabing sasakyang-dagat, at ang kalahati ay nakauwi noong Marso 22.

Nauna nang sinabi ng DFA na naging mas mahirap ang pagpapauwi ng mga marino mula sa Ukraine lalo na na nagkaroon ng mas matinding labanan sa katimugang lungsod ng Mykolaiv ng bansa.