-- Advertisements --
DOH office

Muling nakapagtala ng dagdag na kaso ng COVID-19 ang Pilipinas nitong nakaraang linggo.

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nadagdagan pa ng 368 ang bilang ng mga aktibong kaso ng nasabing virus sa bansa.

Ngunit sa kabila nito ay nananatiling mababa ang active tally ng coronavirus disease sa Pilipinas sa bilang 12,491 noong Biyernes, Enero 13, 2023.

Sa ngayon ay umaabot na sa 4,070,136 ang nationwide caseload sa bansa, habang tumaas naman sa 3,992,088 ang recovery tally, at umakyat naman sa 65,575 death toll matapos itong madagdagan ng 22 bagong fatalities.

Nakasaad din sa datos na inilabas ng DOH na ang Metro Manila ang mayroong pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na may bilang na 1,860, sinundan naman ito ng Calabarzon region na may 954, 475 active cases naman ang naitala sa Central Luzon, habang nasa 403 ang mga aktibong kaso sa Cagayan Valley, at 321 ang naitala sa Western Visayas.