CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng City Givernment ng Santiago City na nakapagtala sila ng apat na panibagong nagpositibo ng COVID 19.
Sa opisyal na pahayag ni City Mayor Joseph Tan ng Santiago City, kinumpirma nito na ang apat na panibagong nagpositibo sa COVID 19 ay pawang mga manggagawa ng All Homes Builder sa Batal, Santiago City na galing ibat ibang lugar.
Ang mga panibagong nagpositibo ay si CV121, isang 21 anyos na babae na mula sa Butuan City, Agusan Del Norte ; CV122, isang 25 anyos na lalaki na mula Cabuyao, Laguna; CV123, 49 anyos na lalaki na mula sa Quezon City Manila at si CV124 na 30 anyos na mula Bacoor, Cavite.
Sa bisa ng Ordinance No.2020-07-03 idineklara ng city mayor ang temporarily closure kasunod ng paglockdown ng isang pribadong subdibisyon ng dalawa hanggang tatlong araw para sa malawakang contact tracing.
Nagsasagawa ng swab test ang City Health Office sa 106 na manggagawa ng nasabing tanggapan at lumabas na COVID-19 positive ang apat sa mga mangagawang sumailalim sa test.
Isinailalim na rin sa disinfection ang naturang subdibisyon.