Nakaligtas ang Washington Wizards mula sa 50-point game ni Devin Booker, upang ilista ang 124-121 paglusot sa kulelat na Phoenix Suns.
Kapwa nagrehistro ng 28 points sina Bradley Beal at Jabari Parker para sa Wizards, na tinapos na rin ang kanilang five-game losing streak.
Umalalay din si Thomas Bryant sa kanyang 18 points at career-high 19 rebounds, kabilang na ang three-point play sa huling 2.8 segundo upang maitakas ng Wizards ang panalo.
Sa hanay ng Suns, nasayang naman ang 50 points at 10 rebounds ng 22-anyos na si Booker, na ikalawang beses na sa magkasunod na pagkakataon.
Ito ang unang beses na nakaabot sa 50 ang isang Phoenix player sa back-to-back na laro.
Bunsod ng pagkatalong ito, lalo pang napako sa itinuturing na worst record sa Western Conference ang Phoenix sa 17-59, at ikalima rin nilang sunod na pagkabigo.