-- Advertisements --

Magkakaroon ng bahagyang pagkaantala sa pagdating ng July 2024 billing ng Manila Electric Company o Meralco na unang bahagi ng kasalukuyang buwan.

Ito ang kinumpirma ng kumpanya sa pamamagitan ng inilabas na abiso sa publiko.

Paliwanag ng Meralco, ito ay dahil kinakailangan pa nilang makipag pulong sa Energy Regulatory Commission upang talakayin kung magkano ang singil nila sa Generation Charge ngayong ngayong buwan.

Kasabay nito ay magsasagawa rin sila ng kinakailangang adjustment sa magiging due date ng billing na mga kostumer nito.

Layon nito na makapagbigay ng sapat na panahon upang makapagbayad ng mga bayarin sa kuryente.

Kung maaalala, ipinagpaliban ng kumpanya ang pagsasagawa ng kaukulang adjustment kasama ang Quezon Power Philippines, San Buenaventura Power Ltd. Co. at South Premiere Power Corporation para sa pagpapasa ng ₱500M Generation Charge sa kanilang mga customer.