Muling nagpalipad ang Israel ng mga missile nito patungong Gaza City at Khan Younis, na naging dahilan ng pagkamatay ng 19 katao.
Ginawa ito ng Israel kasabay ng unti-unti nitong pagkubkub sa halos kabuuan ng Gaza City na sentro ng bakbakan mula noong magsimula ito, Oktobre ng taong 2023.
Sa kasalukuyan ay umabot na rin sa 84% ang evacuation sa buong Gaza Strip, habang tuloy-tuloy ang pag-advance ng mga Israeli forces sa kabuuan ng Gaza.
Maging ang mga ospital na silang nagbibigay ng tulong sa mga nasusugatan sa nagpapatuloy na digmaan ay unti-unti na ring isinasara dahil sa pangamba, habang ang ibang mga pasyente ay kusa na ring lumisan.
Pinangngambahan ng mga ito ang lalo pang paglaki ng giyera matapos ang palitan ng missile sa pagitan ng Israel at militanteng Hezbollah.