-- Advertisements --
PHILADELPHIA – Isa na namang aviation incident ang gumulantang sa Estados Unidos ngayong araw.
Ito’y makaraang bumagsak ang isang maliit na eroplano sa Northeast Philadelphia.
Sa inisyal na ulat, anim ang naitalang nasawi.
Dalawa sa mga biktima ay lulan ng private plane, habang apat naman ang mula sa nabagsakang lugar.
Tinukoy ng mga otoridad na ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid ay isang medical air ambulance.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari.
Una rito, 67 ang nasawi sa banggaan commercial plane at military helicopter sa Reagan National Airport sa Washington.