-- Advertisements --

Inilabas na ng Israel ang pagkakakilanlan ng mga bihag na nakatakdang pakawalan ng Hamas sa araw ng Biyernes.

Ayon sa Israeli Prime Ministers Office, na kabilang na papakawalan nila ang limang Thailand Nationals.

Ang mga tatlong Israelis ay kinilala na sina Arbel Yehud, 29-anyos, Agam Berger, 19-anyos at Gadi Moses, 80-anyos.

Mayroong kabuuang 33 Israeli hostages na dinukot ng mga Hamas noong October 7, 2023 attacks ang kanilang nakatakdang pakawalan sa phase one ng ceasefire deal sa pagitan ng Hamas at Israel.

Sinabi pa ni Israeli government spokesperson David Mencer na ang walong natitirang Israeli hostages ay mga namatay na.

Si Yehud ay dinukot sa bahay nito kasama ang partner nitong Ariel Cunio, habang si Mosss na isang agronomist ay dinukot sa Kibbutz community at si Berger na isang sundalo ng Israeli ay dinukot sa military base.

Kabilang sa unang bahagi ng kasunduan ay magpapakawala ang Israel ng 2,000 na mga Palestinian prisoners kung saan natapos na ang dalawang rounds ng pagpapakawala ng mga bihag.

Magugunitang namagitan ang US, Egypt at Qatar para isulong ang ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas.