-- Advertisements --
ofw gaza

Nakatakdang dumating bukas ang panibagong batch ng 14 na Pilipino kasama ang 5 asawang Palestinian national mula sa Gaza.

Kung sakali, ang kabuuang bilang na ng mga Pilipinong nakalabas sa Gaza ay papalo na sa 111 habang ang nakauwi na sa bansa ay nasa 77 na ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega.

Ang 111 mula sa kabuuang 137 Pilipino o 81.02% ng mga dumaranas ng pinakamahirap na kalagayan sa Gaza na nailikas na at nasa kabisera ng Cairo, Egypt.

Kabilang sa 14 na Pilipinong darating bukas ay ang 3 batas kasama ang isang bagong silang na sanggol.

Ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos, nananatili sa Gaza city ang isang Pinay na madre habang nasa 25 iba pang Pilipino naman ang nasa Dier Al Bahla, Khan Younis at Rafah governorates sa southern Gaza.