-- Advertisements --
Ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang panibagong batch ng 76 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang mga OFW sa NAIA nitong araw ng linggo, Oktubre 20.
Sa ngayon, nasa kabuuang 636 na ang bilang ng OFWs kasama ang 32 dependents na na-repatriate ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Lebanon sa pamamagitan ng voluntary repatriation program.
Nananatili pa rin hanggang sa ngayon ang Alert Level 3 sa Lebanon, ibig sabihin boluntaryo pa rin ang repatriation sa gitna ng airstrikes at ground invasion ng Israel na nakaapekto sa ilang parte ng Lebanon.