Dumating na sa Pilipinas ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers(OFW) mula sa Lebanon.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration(OWW), 19 na Pinoy workers ang dumating kaninang umaga(Dec. 13) sa Ninoy Aquino International Airport na sinalubong naman ng mga personnel nito.
Kasama rin sa mga sumalubong sa mga repatriate ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW), Department of Social Welfare and Development – DSWD, at Medical Team ng NAIA.
Ang mga ito ay nag-avail ng Voluntary Repatriation Program na ini-aalok ng gobierno sa mga OFW sa naturang bansa.
Agad naman silang nakataggap ng tulong-pinansyal, food at transportation assistance, at hotel accommodation. Ang karagdagan pang tulong ay ibibigay din sa kanila sa mga susunod na araw.