Tiniyak ng Department of Migrant Workers na makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang pangalawang batch ng mga OFWs mula sa UAE na nakapag avail ng amnesty program.
Ito ay bilang panimula sa kanilang muling pagbabalik sa Pilipinas mula sa ibang bansa.
Dumating ang mga ito sa NAIA sakay ng isang flight mula sa Dubai na binubuo ng 17 OFWs kabilang ang tatlong bata.
Sakay rin ng naturang flight na dumating sa bansa ang mga manggagawang Pilipino mula sa Abu Dhabi.
Nanguna si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa pagmamahagi ng tulong sa mga OFWs na dumating sa Pilipinas.
Ayon kay Cacdac, ang tulong na ito ay pauna pa lamang at may mga susunod pa mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.
Batay sa datos ng ahensya, pumalo na sa 103 OFWs at limang bata ang nakauwi ng Pilipinas sa ilalim ng naturang amnesty program.
September 1 ng simulan ng UAE ang pagpapatupad ng amnesty program at matatapos ito sa October 31 ng taong ito.
Sa ilalim nito ay mabibigyan ng clemency ang mga OFWs na lumabag sa batas sa UAE.