-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang Bureau of Corrections sa pagpapalaya ng mga Persons Deprived of Liberty sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa datos ng BuCor , pumalo na sa 16,657 ang kabuuang bilang ng mga inmate na napalaya bilang bahagi ng decongestion program sa lahat ng piitan.
Ngayong araw ay pinalaya ng ahensya ang 45 PDL.
Nagmula ang bilang na ito sa iba’t ibang kulungan sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga ito ay napalaya dahil sa expiration ng maximum sentence,acquittal, bail bond, probation, habeas corpus ,parole at iba pang dahilan.