-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipatupad ang P1.30 na bawas sa kada litro ng diesel.
Habang mayroong P1.00 naman sa kada litro ng gasolina at P1.65 naman sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikalawang linggo na nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis.
Itinuturing ng Department of Energy na ang dahilan ng bawas presyo ay dahil sa paghina ng demand sa China na itinuturing na pangalawang pinakamalaking bansa na may mataas na konsumo ng langis.