-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Nitong ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.20 sa kada litro na bawas sa diesel.
Mayroon namang P0.10 na bawas sa kada litro ng gasolina at ahg kerosene ay mayroong P0.45 na bawas sa kada litro.
Ito na ang pangalawang sunod na linggo na nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo.
Itinuturong dahilan ng Department of Energy ang mahinang demand ng oil products at ang pagtaas ng suplay .