-- Advertisements --
Magkakaroon ng panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maaring maglaro mula P0.10 hanggang P0.40 ang bawas sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong mula P0.20 hanggang P0.60 sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong mula P0.30 hanggang P0.60 sa kada litro ang bawas.
Sinabi ni Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau na ang dahilan ng bawas presyo ay dahil sa paghina ng demand ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang magiging tunay na bawas presyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.