-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.70 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P0.90 naman ang bawas sa kada litro ng diesel at P1.80 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang nasabing bawas presyo ay dahil sa pagtaas ng US oil inventory.

Ito na ang pangalawang sunod na linggo na nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis.