Matapos ang isang round ng upward adjustments, dapat asahan ng mga motorista ang panibagong sunod-sunod na big-time na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo, ayon sa projections ng Unioil Petroleum Philippines.
Sa pagtataya nito sa presyo ng petrolyo para sa Pebrero 15 hanggang 21 trading week, sinabi ng Unioil na maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.10 ang presyo kada litro ng diesel.
Ang presyo ng gasolina, sa kabilang banda, ay maaaring tumaas ng P1.10 hanggang P1.20 kada litro.
Ang mga kumpanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsyo ng mga pagsasaayos ng presyo tuwing Lunes upang maging epektibo sa susunod na araw.
Kung maalala, epektibo noong Pebrero 8, ang mga kumpanya ng gasolina ay nagtaas ng presyo ng gasolina ng P1.05 kada litro at diesel ng P1.20 kada litro.
Ang year-to-date adjustments ay nasa kabuuang net increase na P6.75 kada litro para sa gasolina at P9.15 kada litro para sa diesel.