-- Advertisements --
OIL PRICE HIKE PISTON

Nagsimula nang ipatupad kaninang madaling araw ng mga oil companies ang panibagong big time oil price rollback sa krudo at kerosina.

Ang malakihang oil price rollback sa diesel na umaabot sa P4.15 kada litro habang ang kerosina naman ay merong pagbaba ng P4.45 centavos bawat litro, habang wala namang pagbabago sa presyuhan ng gasolina..

Karamihan ng mga kompaniya ng langis ay sabay-sabay na nagpatupad ng bawas presyo kaninang alas-sais ng umaga liban lamang sa Caltex at Cleanfuel na nag-adjust ng pagbaba sa presyo kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

Una nang nag-abiso rin ang mga oil companies sa kanilang presyuhan na pagbaba tulad na lamang ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Cleanfuel, PetroGazz, Seaoil, Chevron at PTT Philippines epektibo nitong September 20.

Sinasabing nooong huling trading sa merkado ng nakalipas na linggo marami pa ring sektor ang nangangamga sa economic recession na nakaapekto nang husto sa presyo ng langis sa international benchmark brent crude, na umabot sa $91 kada bariles.

Bagaman ito ay taliwas sa nakalipas na ilang buwan na umaabot sa $110 haggang sa $120 bawat bariles.