CAGAYAN DE ORO CITY – Halos hindi pa rin makapaniwala ang 46-anyos na ginang na masugid na partisipante ng mga promo na inilunsad ng Bombo Radyo Philippines na siyang ang pang-73 na milyonaryo nitong taon.
Ito ay lalo pa’t nahaharap ng malaking hamon ang bansa dahil sa epekto ng pandemya kung saan napadapa ang kalagayan ng ekonomiya dala ng COVID-19.
Ito ay matapos tuluyan nang natanggap ni Gng. Mercil Daguing na taga-Barangay Rosario, Tagoloan, Misamis Oriental ang tumataginting na isang milyong piso na cash prize bilang grand draw winner ng ika-16 na taon na Buena Mano Salvo Promo ng Bombo Radyo at STAR FM na ginanap noong Hunyo 5, 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Daguing na malaking tulong para sa kanyang pamilya ang napanalunan nito na premyo ng promo lalo pa’t milyun-milyong mga kababayan sa bansa ang hirap sa buhay epekto ng pandemya.
Sinabi ni Daguing na gagamitin nito ang premyong panalo mula sa promo bilang pagdagdag-kapital ng kanyang nasisimulang negosyo at pagtustos na rin sa nag-aaral nitong anak.
Pinasalamatan din ng ginang ang Bombo Radyo Philippines kasama ang trade sponsors dahil sa pambihirang pagkakataon ay nailunsad ang multi-million promo kung saan siya ang nabunot na nagmula sa Northern Mindanao.
Hinikayat ni Daguing na unang gumamit ng proof of purchase ng Energen bilang kanyang winning entry ang mga takapakinig ng Bombo Radyo at Facebook pages followers na sundan ang kanyang yapak na matiyaga na sumali at gagawa ng entries upang isa sa kanila ang susunod na mananalo ng mga naglalakihang mga premyo.
Si Daguing ay ang pang-73 na milyonaryo ng Bombo Radyo Philippines simula nang mailunsad ang mga malakihang promo na binigyan ng malaking pagtitiwala ng multi-national product sponsors nationwide.