-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Aabot na sa walo ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 pandemic sa probinsiya ng Benguet.
Ito ay matapos masawi ang isang 75-anyos na babae mula sa bayan ng La Trinidad.
Ayon sa mga otoridad, ito na ang ikaanim na senior citizen na nasawi matapos naapektuhan ng COVID-19.
Maalalang, nasawi rin ang isang senior citizen nang makapitan ng nakahahawang virus.
Samantala, aabot na sa 463 ang kabuuang bilang ng nasabing sakit sa Benguet kung saan 158 ang aktibo.