Ikokonsidera ng Japan ang pagpapatupad ng bagong emergency declaration kasunod ng apela ng mga regional governors dahil sa nararanasang third wave ng coronavirus sa kanilang bansa.
Ayon kay Economy Minister Yasutoshi Nishimura, kailangan munang konsultahin ng pamahalaan ang mga health experts bago magpasya tungkol sa bagong deklarasyon.
“The national government and the three governors shared the view that the situation in the Tokyo area is getting more severe such that an emergency declaration may be necessary,” wika ni Nishimura.
Bilang pansamantalang hakbang, nagpatupad na ng curfew ang pamahalaan sa mga restaurants at karaoke parlors sa Tokyo.
Una rito, umalma si Prime Minister Yoshihide Suga sa mga panawagan na muling isailalim ang bansa sa national state of emergency, na unang idineklara noong Abril.
Sumandal kasi ang bansa sa boluntaryong pagsasara ng mga negosyo at travel restriction sa halip na mahigpot na lockdown measures na ginawa sa ilang bahagi ng Europe at sa Estados Unidos.
Itinaas ng Tokyo ang kanilang COVID-19 alert level sa pinakamataas na antas noong Distembre 17.
Pumalo sa record na 1,337 ang panibagong mga impeksyon sa kabisera noong Disyembre 31, at 814 nitong Sabado. (Reuters)