-- Advertisements --
VIGAN CITY – Naitala sa lalawigan ng Ilocos Sur ang panibagong COVID-19 transmission sa bayan ng Tagudin matapos mahawa ang ibang pasyente sa dalawang nagpositibo sa anti-gen test kasunod nang pagpaospital.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Dra. Trina Tabboga Talaga, chief of hospital, bago ma-admit sa Ilocos Sur District Hospital Tagudin ang dalawang pasyente na mayroong sakit sa cancer at ang isa naman ay sakit sa puso dumaan ang mga ito sa anti-gen test at nagpositibo sa coronavirus.
Aniya, hindi na dumaan sa PCR test ang dalawang pasyente dahil namatay ang mga ito makalipas ang ilang oras.
Sa ngayon mayroong 27 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 15 dito ay nagmula sa bayan ng Tagudin.