Ibinabala ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng panibagong surge ng COVID-19 sakaling may bagong immune-escaping variant na makapasok sa Pilipinas.
Ito ay kasunod na rin ng na-detect na 17 kaso ng Omicron subvariant na BA.2.12.1.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau chief Dr. Alethea de Guzman maaaring magdulot ng surge kung may papasok na bagong variant of concern na mas nakakahaa at kayang mapababa ang epekto ng bakuna.
Paliwanag ni Dr de Guzman na sa oras na bumaba ang immunity mula sa full vaccination o boosters, ito ang magiging dahilan ng posibleng pagtaas ng bilang ng mga kaso at na-admit sa ospital.
Ayon kay De Guzman, nasa 20% hanggang sa 27% na mas nakakahawa at immune-escaping ang nasabing omicron subvariant.