-- Advertisements --
Magpapatupad muli ng curfew Portugal para mabantayan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.
Sa nasabing patakaran ay bawal ng makalabas sa kanilang bahay mula 11 p.m. hanggang ala-5 ng umaga ang nasa 45 munisipalidad kabilang ang Lisbon at Algarve at ang mga pangunahing lungsod gaya ng Porto at Braga.
Maging ang lugar na tinaguriang “high risk” o “very high risk” na restaurants, cafes, businesses at cultural venues ay babawasan ang oras ng kanilang oras ng operasyon at maging ang mga papayagang customers.
Sinabi ni government spokeswoman Mariana Vieira da Silva na ang paghihigpit ngayon ay hindi gaanong mahigpit kumpara sa nagdaang taon nagsisimulang manalasa ang virus.