-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas sa mga produktong langis.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang dagdag na P0.40 sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P0.50 na bawas sa kada litro at P0.75 naman sa kada litro ang bawas sa kerosene.
Itinuturing dahilan ng Department of Energy na ang dahilan ng nasabing magkahalong dagdag-bawas sa mga produktong langis ay ang patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.