-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng magpatupad ang pagbabawas ng P0.40 sa kada litro ng diesel.
Mayroon ding bawas na P0.70 sa kada litro ng kerosene habang ang gasolina ay mayroong pagtaas na P0.10 sa kada litro.
Itinuturong ang dahilan ng nasabing dagdag-bawas ng presyo ng langis ay dahil sa huminang demand ng langis sa buong mundo at ang pagbawas ng tensiyon sa Gitnang Silangan.