-- Advertisements --
Asahan ang panibagong dagdag-bawas sa mga produktong langis sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maaring maglaro mula P0.40 hanggang P0.70 ang pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay kung hindi magbawas ng P0.10 sa kada litro ay maaring magtaas naman ito ng P0.20 sa kada litro.
Maaring walang adjustment naman ang kerosene o magtataas ito ng hanggang P0.10 kada litro.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang dagdag-bawas sa presyo ng langis na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.