-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.90 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang pagtaas ng P0.80 sa kada litro ng kerosene habang ang diesel ay mayroong P0.60 na kada litro na pagtaas.
Isa sa nakikitang dahilan ng Department of Energy ng nasabing pinakahuling paggalaw ay ang taas ng demand ng diesel sa ibang bansa kasama na rin aniya ng paghina ng peso kontra sa dolyar.
Giit pa ng DOE na walang oversupply o u ndersupply sa global market kaya ito ay gumagalaw ang presyo sa parehas na direksyon kada linggo.