-- Advertisements --
Nagbabadya ang muling paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa inisyal na calculation ng mga industry players sa bansa, ang presyo ng diesel ay maaaring bumaba ng mula P0.35 hanggang P0.75 kada litro, habang ang kerosene ay maaaring bumaba rin mula P0.15 hanggang P0.55 per liter.
Para sa gasolina, maaaring magkaroon ito ng pagbaba o pagtaas na hanggang P0.15 per liter. Maaari ding hindi gagalaw ang presyo nito.
Kahapon, Aug 1 ay una nang nagtaas ang mga petroleum companies ng presyo ng mga panindang petrolyo sa bansa.
Gayunpaman, ipinaalala ng Department of Energy (DOE) na hindi ito dapat ipatupad sa mga lugar na may nakalatag na state of calamity dahil sa epekto ng nakalipas na malawakang pagbaha.