Kapit mga motorista!
Asahang muli ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Kinumpirma ito ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.
Aabot sa P0.80 hanggang P1.00 ang itataas sa produktong Diesel.
Posible ring pumalo sa P0.85 hanggang P1.00 ang dagdag sa presyo kada litro ng Kerosene habang aabot naman sa ₱0.20 per liter ang Gasoline.
Ayon kay Romero, ang final price adjustments ay malalaman matapos ang magiging resulta ng Friday’s trading at iba pang international oil events.
Dagdag pa ng opisyal na ang pagtaas na ito sa presyo ng produktong petrolyo ay maiugnay sa lumalalang geopolitical concerns sa Gaza Strip.
Malalaman ang pinal na taas presyo sa araw ng Lunes na kadalasang ipinatutupad sa araw ng Martes.