-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Itinuturing na diversionary tactics ng rebeldeng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang nangyaring pagpapasabog ng isang Improvised Explosive Device (IED) sa gilid ng national highway sa Sitio Pansol Barangay Macasampen Guindulungan Maguindanao.

Ito ang inihayag ni Lt.Col John Paul Baldomar, taga pagsalita nga 6th Infantry Division,Philippine Army sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Lt.Col. Baldomar, signature IED ng BIFF ang sumabog sa nasabing lugar kung saan target ang dumaan na military truck sakay ang mga sundalo.

Dahil umano sa lakas ng pagsabog basag ang wind shield nga sasakyan nga mga militar, masuwerte nalang umano na walang nasaktan sa mga miyembro ng 549 Army Engineering Brigade na dumaan sa Cotabato Isulan highway habang nagdulot ng takot sa mga residente sa nabanggit na lugar ang pagsabog.

Dagdag pa ni Lt.Col. Baldomar, nakapagtala ng anim na IED explosions sa loob lamang ng 6 na araw ang mga militar sa probinsya ng Maguindao kung saan 2 miyembro na ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang sugatan ,4 na sibilyan at 5 mga sundalo ang nasawi.

Kasabay nito mahigpit na kinukondina ng ilang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim in Mindanao (BARMM) at ilang Civil Society ang karahasan na dala ng BIFF sa pag-oobserba at pag-aayuno sa buwan ng Ramadan at isang uri ng pambabastos ang ginagawa ng mga ito.