-- Advertisements --

Nakatakdang pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng Estados Unidos kaugnay sa suspensyon ng US-Philippines Visiting Forces Agreement (VFA) termination.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pahayag ni US National Security Advisor Robert O’Brien na mas makabubuti kung i-extend pa ng isang taon ang suspensyon ng VFA abrogation.

Sinabi ni Sec. Roque, noted na ni Pangulong Duterte ang request na ito at siya naman ay magdi-desisyon bilang chief architect ng foreign policy ng Pilipinas.

“Let’s just say that the President has taken note of the request of US authorities and he will decide as chief architect of foreign policy,” ani Sec. Roque.

Magugunitang na Pebrero ngayong taon nang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang terminasyon ng VFA. Hunyo naman nang inianunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pansamantalang supensyon ng terminasyon habang nitong Nobyembre lamang, pinalawig pa ng anim na buwan ang suspensyon.