-- Advertisements --

Sa kabila ng tuloy-tuloy na mainit na panahon na nararanasan sa malaking bahagi ng bansa, muling naglabas ang state weather bureau ng General Flood Advisory ngayong araw, Marso 27, 2025.

Nakataas ang flood warning sa dalawang rehiyon sa bansa – Eastern Visayas at Caraga Region.

Region 8 (Eastern Visayas) – Leyte, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, Biliran

Region 13 (CARAGA) – Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur

Ang mga naturang lugar ay apektado ng Low Pressure Area (LPA) na huling natukoy sa layong 220 km, silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ang naturang LPA ay inaasahang magdadala ng mga serye ng pag-ulan na posibleng magdudulot ng pag-apaw ng mga kailugan. Maaaring umabot sa mga kabahayan at mabababang komunidad ang mga ito, kaya’t ipinapayo sa mga residente sa mga nabanggit na lugar na bantayan ang sitwasyon.