-- Advertisements --

Isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang agarang pagpasa ng ilang panukalang batas kasabay ng kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Kabilang rito ang bagong bersyon ng Salary Standardization Law (SSL) para sa mga kawani ng gobyerno, kabilang na ang mga guro sa pampublikong paaralan at mga nurse sa mga ospital ng gobyerno.

“I therefore believe that it is now time for Congress to approve a new version of the Salary Standardization Law. Ngayon na. And to the teachers, alam mo dito who toil and work tirelessly to educate our young,” ani Pangulong Duterte. “Kasali na po dito ‘yung hinihingi ninyo. Hindi naman masyadong malaki, pero it will tide you over during this hard time. A little bit bigger than before. This is intended to increase the salaries of national government workers, including teachers and nurses. Nurses.”

Sinabi pa ni Pangulong Duterte, para sa national sports development, suportado rin niya ang panukalang batas na lilikha sa isang National Academy of Sports para sa mga High School students.

Hinikayat din ni Pangulong Duterte ang Kongreso na pag-aralang mabuti ang pagpapaliban ng 202 barangay elections at isagawa na lamang ito sa 2022, gayundin ang pagpasa ng Magna Carta for Barangays.

“I also implore Congress… You — look. You have to study this very carefully. Congress has to postpone the May 2020 elections and ‘yung Barangay, Sangguniang Kabataan to October 2022. Because if you read it, this… To rectify the truncated terms. Paiba-iba na eh. The truncated terms of sitting barangays but also provide them with the ample time to finish their programs and projects. I suggest Congress should also enact the Magna Carta for Barangays.”

Ilan pa sa isinulong ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang panukalang batas na lilikha ng isang Department of Overseas Filipinos; Package 2 ng Comprehensive Tax Reform Program o ang TRABAHO Bill; Government Rightsizing Bill; batas na lilikha ng Department of Disaster Resilience (DDR); Department of Water Resources and Water Regulatory Commission; Fire Protection Modernization Program; National Land Use Act (NALUA); batas para sa Coconut Farmers’ Trust Fund; National Defense Act; Unified Military and Uniformed Personnel Separation, Retirement, and Pension Bill at panukalang pagbabalik ng mandatory ROTC sa Grades 11 and 12.