-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 18 15 38 54 82
SEC officials filed formal complaint before the DOJ vs KAPA founder Pastor Joel Apolinario and other officials

KORONADAL CITY – Maliwanag na umano na isang klase ng panloloko ang ginagawa ng Kabus Padatoon o KAPA Community Ministry International, Inc. lalo na ang founder nitong si Joel Apolinario.

Ito ang inamin na rin ni alyas Ruben sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay alyas Ruben na kabilang sa bagong grupo na nagsampa ng kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Apolinario, wala naman umanong himala na mangyayari upang muling makapag-operate ang KAPA matapos ang crackdown ng mga otoridad alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin din nitong hindi siya makatulog matapos nalustay lamang ang na-invest niya sa KAPA na umaabot sa P220,000.

Hinihikayat din nito ang iba pang nabiktima ng investment scam na magsampa ng kaso laban sa KAPA founder at mapabilis ang proseso sa pagpapabalik ng kanilang mga pera.

Ang SEC ay una na ring naghain ng kaso laban sa pastor at iba pang mga opisyal ng Kabus Padatoon dahil sa pagpapairal ng investment scam.

Nasa ilalim na rin ang mga ito sa lookout bulletin ng Immigration bureau.

Ang AMLAC ay kumilos na rin para ma-freeze ang mga assets kabilang na ang P100 million cash at ilang mga luxury vehicles.