Kinondena ni Senadora Loren Legarda ang panibagong harassment ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS) kung saan binangga at ginamitan ng water cannon ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Sanday (MMOV 3302), na naglalakbay mula sa Hasa-Hasa Shoal hanggang Escoda Shoal.
Ayon kay Legarda, ang panibagong marahas na aksyon na ito ng Chinese Coast Guard ay hindi lamang ilegal kundi hindi makatao at malupit sa kaligtasan ng mga nasa karagatan.
Aniya, ang Hasa-Hasa Shoal at Escoda Shoal ay parehong legal na sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Aniya ang resupply mission ng BRP Datu Sanday ay lehitimo at nasa loob ng ating hurisdiksyon at mga karapatan sa soberanya.
Muling nanawagan ang mambabatas sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) sa People’s Republic of China na agarang itigil ang lahat ng mapanganib na aksyon kontra sa mga barko ng Pilipinas.
Giit pa nito, ang mga aksyon na ito ay nagpapahina sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon.