-- Advertisements --
Dumating ngayong araw ang karagdagang suplay ng bakunang Astrazeneca sa bansa.
Binubuo ito ng 502,000 doses ang bagong shipment ng ng Astrazeneca COVID-19 vaccine na dumating alas-9:30 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19 ang bagong batch ng Astrazeneca vaccine ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government.
Nakatakda ring dumating sa hapon ang karagdagang suplay na one million doses ng Sinovac.
Nauna rito, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez na nasa 54.5 million COVID vaccines ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ng Setyembre at Oktubre.