Muling sumiklab ang panibagong enkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga sundalo sa Nueva Ecija.
Ito ay ilang araw lamang mula nang maganap ang sagupaan sa Pantabangan na nagresulta sa pagkamatay ng sampung mga rebelde na kinabibilangan ng ilang mga matatas na lider.
Batay sa inisyal na ulat, nangyari ang naturang inkwentro kahapon, July 4, sa Brgy Cambital sa bayan din ng Pantabangan.
Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na ulat kung may nasugtan o nasawi sa naturang inkwentro.
Wala ding kumpirmasyon ang Philippine Army (7th ID) kung ang mga nakasagupang rebelde ay ang mga miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon na silang nakasagupa rin ng mga sundalo sa dalawang magkasunod na inkwentro.
Hunyo-20, 2024 nang maganap ang laban sa Pantabangan na nagresulta sa pagkakapatay ng sampung rebelde.
Ito ay kasunod ng nauna nang sagupaan na nangyaro sa probinsya ng Nueva Vizcaya.