-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mino-monitor na umano ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro ang aktibidad ng Pearl of the Orient International Marian Workers Missionary Foundation Corporation.

Ito ay matapos makatanggap ng report na isa itong investment scam kung saan target umano nito ay ang mga senior citizen.

Sinabi ni city administrator Teddy Sabugaa na nangongolekta ng tig-P300 bilang registration fee ang naturang foundation kapalit ng pangakong makakatanggap ang miyembro buwan-buwan ng P12,000 na pension, house and lot at debit card na nagkakahalaga ng P2 million.

Nagbanta si Sabugaa na kanilang kakasuhan ang mga namamahala ng foundation sa oras na mapatunayang isa itong panluluko.